Kimerald fans tutol makasama sina Robi, Nicole at Josef sa My Girl
Walang nagawa ang pagtutol ng fans nina Kim Chiu at Gerald Anderson na isama sa cast ng My Girl sina Robi Domingo, Nicole Uysiuseng at Josef Elizalde, dahil balita namin, any day now, ipakikilala na sila sa entertainment press at malalaman ang respective roles nila.
Nag-pictorial na ang tatlo bilang paghahanda sa kanilang presscon.
In fairness, may mga natuwa rin naman sa balitang kasama na ang tatlong galing sa Pinoy Big Brother sa My Girl.
Tama ang mga nagdepensa sa kanila na kailangan nila ng break at kung sina Kim at Gerald ang makakatulong sa kanilang pagsikat, dapat matuwa pa ang fans ng magka-loveteam.
>Pilipino Star Ngayon
0 comments:
Post a Comment