Cherry Pie Picache gets to slap the Queen of Philippine Movies Susan Roces in "Iisa Pa Lamang"
Pinuri nang husto ang performance na ibinigay ng award-winning actress na si Cherry Pie Picache pagkatapos ng celebrity and press preview ng bagong teleserye ng ABS-CBN na Iisa Pa Lamang sa Cinema 2 ng SM The Block last Friday. Nag-alala naman si Cherry Pie habang kausap namin sa product endorsement na kasalukuyang nine-negotiate dahil sa kanyang kontrabida role bilang si Isadora.
"Oo, meron, pero hindi lang nasasardo. So, I thought, sana lang kahit nakita nila na ganun ako sa teleserye namin, e, hindi maapektuhan."
SLAPPING SUSAN. Hindi ba siya nag-aalala na maraming magagalit sa kanya dahil sa pang-aapi na ginawa niya sa movie queen na si Susan Roces at kay Claudine Barretto sa Iisa Pa Lamang?
"Yun nga. Feeling ko lahat ng mata ngayon ng tao nasa akin," lahad ni Cherry.
Nailang ba siya kay Susan lalo na kapag may kumprontasyon at sampalan sila sa mga eksena?
"Ay, oo. Siyempre naisip ko yun. Siyempre, ‘di ba, nakita n'yo nga gumanun-ganun lang [dumaplis lang ang kamay niya sa mukha ni Susan]. Nakita ninyo naman sa iba, kapag sinampal ko napapasuka sa sakit. Pero kay Tita Susan, ganun lang. Pero dinuraan naman niya ako."
Ilang take ang mga eksena nila ni Susan?
"Take one lang yun, lahat. Okey lang naman yung sabunot, dura niya sa akin. Si Tita Susan naman yun. Parang sa sobrang sama ni Isadora, tama lang na duraan siya. Kung ako yun, sasapakin ko pa siya. Yung ganun."
CHERRY PIE'S CHARACTER. Nahirapan ba siya sa kanyang role bilang si Isadora sa Iisa Pa Lamang?
"Nahirapan ako, kasi nagkontrabida na ako sa Pangarap [na Bituin]." So, sabi ko, dito kaya, ano kaya ang gagawin ko? Sabi ko, ang atake ko dito, hostess of the year. Yung ganung klase, ‘di ba?
"Kasi,parang ganun siya, e. Hindi maganda ang pinanggalingan niya. Ibinenta niya ang sarili niya para matupad ang ambisyon niya, at pati anak niya, ginamit niya. So, ganun ang atake, woman of the world."
masasabi niya sa galit ng mga fans kapag umere na ang Iisa Pa Lamang?
"Honestly, kinakabahan po. On the other hand, masaya ako kasi merong reaksyon. Mas malulungkot ako kung hindi ako effective."
May redeeming value ba siya sa ending?
"Hindi ko pa alam kasi, nasa third week pa lang kami. Mas marami pang mangyayari, patikim pa lang yun."
GETTING BACK AT. Paano naman gaganti sa kanya si Claudine sa teleserye nila? Pahihirapan din ba siya gaya ng ginawa niya? Duduraan din ba siya dito?
"Parang iba. Iba-iba kasi. Makakabawi siya. 'Di ba dati, ‘pag may confrontation, mura? Murahan lang? Dito, tutukan agad ng baril."
So far, ito na ba ang pinakasalbaheng role ni Cherry Pie?
"Yes," amin niya. "Sana malaman ng mga tao na role lang ito. Nagtatrabaho lang, mahirap ang panahon. Lahat gagawin mo. I'm just thankful I had a very good role in the soap, ‘tapos, nakaka-miss ang ganitong drama. I'm just thankful that I'm included sa powerhouse cast."
0 comments:
Post a Comment